December 22, 2013 11:11 PM
“You are my
shield, my strength, my portion, deliverer, my shelter, strong tower, my very
present help of need”
My Lord, please
forgive me. I have been weak. I’ve been blind. I was lost.
Nag
kamali ako. Marami akong nagawang di maganda sa buhay ko. Hindi ko alam kung
paano ba ako babawi sa mga maling desisyon na nagawa ko, sa mga taong nasaktan
ko, sa mga bagay na pinaka sinungalingan ko, sa mga taong kina inggitan ko, sa
mga material na bagay na hinangad ko, sa pamilya at mga kaibigan ko, at lalo
nap o Sainyo, Pangioon.
Marahil
ito ang paraan mo para katukin ako at ipaalala sakin na nariyan Ka, na huwag
akong makakalimot Saiyo. Panginoon, binigo ko Kayo sa napakaraming maling bagay
na nagawa ko.
Ninais
at ninanais ko paring bumitaw, kitilin ang sariling buhay, tapusin ang biyayang
Ikaw ang nag handog. Duwag ako. Walang pag kakaila iyon. Naging mahina ako.
Nawala sa isip ko na Ikaw lamang ang makaka tulong at hihilom sa matagal ng
sugatan na puso ko. Panginoo, ano ang dapat kong gawin?
Nag
tatampo ako Saiyo. Alam ito ng mga taong nasa paligid ko. Dahil alam ko sa
sarili ko na hindi ako nag duda sa kakayahan Mo sa mga nakalipas na panahon ng
buhay ko at ang tanging nais ko lamang ay kapayapaan ng aking isipan. Ngunit
dahil hindi ko ito makamtan at maramdaman, mas pinili kong magalit, mag mukmok,
at bumitaw sa pag kalinga Mo.
May
mga iilang tao ang nag sasabi na sakin noon pa man na mahina ang
pananampalataya ko. Madalas ko itong idepensa, paulit ulit sinasabi sakanila na
mali sila, pagkat hindi nila nalalaman kung gaano ako nag dedepende Saiyong pag
mamahal. Pero bakit nitong mga nakaraang lingo, iniisip ko kung tama nga ba
sila at hindi na Ikaw ang mundo ko?
Ako
ay nag kakasala Saiyo ng paulit ulit. Noon ako’y isang deboto ng Simbang Gabi,
miyembro ng choir sa tahanan Mo, isa sa mga mang await ng banda at kumindad na
nag lilingkod Saiyo, ngunit tinalikuran ko ang lahat ng ito. Natakot ako.
Napagod akong umasa at maniwala na magagawa kong umahon mula sa pag kakalunog
ko sa mga pag subok na ito. Nananatili ako sa kadiliman at pinipili ko na
paniwalaang kinalimutan Mo na ako. Panginoon, magulo pa rin ang isip ko.
Patawarin Mo ako.
“They don’t
know that I came running home when I fall down. They don’t know who picks me up
when no one is around. I drop my sword and look for His smile. Cause deep
inside this armor is, the warrior is a child”
Sakabila
ng mga maling gawain at paniniwalaang ito, alam ko sa aking puso na hindi Ka
parin nawawala. Huwag po sanang husgahan ako ng ibang tao dahil lamang sa mga
maling gawain na ito, bagkus, akayin nila ako sa tamang daan patungo Saiyo.
Walang
hanggan ang aking pag sasalamat sa pag kakaloob mo sakin ng napaka mapag mahal
at mapag unawang pamilya. Sila ang tanging kinakapitan ko sa ganitong panahon
na nang hihina ako. Napaka mapalad ko at nag karoon ako ng pamilyang tulad
nila.
Kanina,
ang mga salita at payo mula sa aking mga magulang ang nag tulak sakin para
gawin ito. Ipinaalala nila sa pamagitan ng pag mamahal nila na mapalad ako sa
pag mamahal na ibinibigay Mo.
Sa aking Tatay
at Nanay na
hindi nag sasawang unawain ako at mahalin ako sakabila ng mga pag kakamali ko,
maraming salamat.
Sa aking mga
kapatid, Ate Phen, Ate Jho, Ate Yhong, Bebe, na hindi napapagod making sa mga hinaing ko sa
buhay at patuloy na nag papaya sakin kahit madalas kong balewalain ang mga
sinasabi nila, salamat.
Sa
pamilya kong ito na naniniwala parin na magagawa kong umahon, kahit ako mismo
sinukuan na ang sarili ko. Salamat.
At Saiyo
Panginoon ko,
na walang hanggan ang pag mamahal. Maraming salamat po at patawarin mo ako.
No comments:
Post a Comment